Manila, Philippines – Maituturing pa ring isa sa mga joys of motherhood ang
karanasan ng first-time mom na si Alex Gonzaga.
Ito’y ang pagpapa-breastfeed niya kay Baby Isaac.
Keber kung “topless” man ang dating TV host at ngayo’y vlogger.
Makikita ito sa mga post niya sa Instagram habang mukha lang ng baby ang nakatakip sa kanyang dibdib.
Hindi maiwasang maibahagi ni Alex ang kanyang struggles in breastfeeding.
Isa na nga rito’y ang nagpa-“Aray!” sa kanya.
Paano ba naman kasi, Baby Isaa bit her nipple sa kapipiit niyang dumede ito sa kanya.
When finally daw ay umubra ang kanyang charm, ginawa nama daw pacifier ng anak ang dede niya!
But the occasional comedienne in Alex’s persona got the better of her.
Biro kasi niya, hindi daw magtatagumpay ang kanyang mister na si Mikee Morada na
“galawin” ang kanyang boobs dahil exclusive lang daw ang mga ito kay Baby Isaac.
Ito’y sa kabila ng weeklong struggle daw niya sa pagpapadede even if her nipple got bitten twice.
Post ni Alex: “Thank you, Lord, while Isaac is sleeping now I calmly gave my breast and he latched! Walang drama at iyakan…tandaan mo, anak, para saiyo lang ‘yan, kahit si papa m, ‘di mahhawakan ‘yan, hehehe!”