MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Cebu City Anti-Mendicancy Office (CCAMO) na ang pangangaroling ay papayagan lamang simula Disyembre 16 at may limitadong oras lamang at magkakaroon ng permit fee.
Sa liham ng opisina para sa Cebu City Business Permits and Licensing Office, inilatag ni CCAMO Executive Director John Ryan Lumayag ang ilang panuntunan sa mga mangangaroling.
Itinakda ang caroling period mula Disyembre 16, 2026 at tatagal hanggang sa unang Linggo ng Enero 2027.
Papayagan naman ang pangangaroling mula alas-7 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.
House-to-house lamang ang papayagan mula sa isang establisyimento patungo sa isa pa.
Obligado rin ang mga ito na magbayad ng permit fee na P50 sa City Treasurer bago payagang makapangaroling.
Pagbabawalan naman ang mangangaroling sa loob ng public utility jeeps, modern jeeps, at iba pang uri ng public transportation. RNT/JGC