Manila, Philippines – Aminado si Moira dela Torre na may mga kaibigan siyang nilayuan at iniwan na siya.
Pero hindi na siya nag-elaborate pa tungkol dito.
Pero aniya ay siya rin daw ang may kasalanan.
Hindi na siya nagbanggit ng pangalan kung sino-sino ang mga ito na tinapos na ang pakikipagkaibigan sa kanya.
Sa tanong kung sino-sino naman ang mga kaibigan niya na hanggang ngayon ay mga kaibigan pa rin niya, na hindi siya iniwan lalo na nu’ng time na may pinagdaraanan siya, ang sagot niya ay, “Si tito Gary (Valenciano), ate Reg (Regine Velasquez), tito Ogie (Alcasid), Kuya Eric (Santos), ate Angge ( Angeline Qiinto).”
Samantala, idinenay ni Moira na siya ang third party sa hiwalayang Sam Milby at Catriona Gray.
“Hindi ako ang third party. Wala akong alam sa relasyon nila. It’s their story to tell,” aniya pa.
Nakausap namin si Moira sa mediacon ng upcoming concert niya titled Where It All Started, na gaganapin sa SM Mall of:Asia Arena sa October 4, 8pm. Rommel Placente