Home ENTERTAINMENT Ai Ai, ‘di affected sa pagpapakasal ng dating asawa!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ai Ai, ‘di affected sa pagpapakasal ng dating asawa!September 20, 2026 14:0320 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Inakala ng isang netizen nadeported na si Gerald Sibayan, dating asawa ni Ai Ai de las Alas.Nasambit tuloy ng netizen na: “Nasa Amerika pa rin pala si Gerald. Akala ko, na-deport!”Agad nilinaw ng Comedy Queen na hindi ganito ang nangyari kay Gerald.Tinanong din ng netizen kung paghihiganti din daw ba ang ginawa ni Ai Ai in seeking revocation of Gerald’s green card sa petisyon nito.Tanong ng netizen: “So hindi vengeance?”Heto ang paliwanag ng komedyana: “Kasabay kasi ‘yon ng divorce, matic na revocation.”Nilinaw din ni Ai Ai na wala na siyang pakialam sa anumang gustuhing gawin ni Gerald sa kanyang buhay.Hindi din siya apektado sa pagpapakasal nito sa ibang babae.At sa isyu ng pagpapa-deport: “Baka magalit si Lord!”In short, hayaan na. Ronnie Carrasco III