Home HOME BANNER STORY Bagyong ‘Queenie’ nagbabadya!

Bagyong ‘Queenie’ nagbabadya!

3
0

MANILA, Philippines — Posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Martes o Miyerkules, Setyembre 22 o 23, ang low pressure area (LPA) na binabantayan sa silangan ng bansa, ayon sa PAGASA.

Namataan ang LPA sa layong humigit-kumulang 2,090 kilometro silangan ng Eastern Visayas madaling araw nitong Lunes, Setyembre 21.

Sinabi ni PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio na maaari itong maging tropical cyclone pagsapit ng Huwebes o Biyernes, Setyembre 24 o 25.

Kapag nasa loob na ito ng PAR at naging tropical cyclone, tatawagin itong Queenie, na magiging ika-17 tropical cyclone na pumasok sa monitoring area ng bansa ngayong taon.

Wala pa namang direktang epekto ang LPA sa lagay ng panahon sa Pilipinas dahil malayo pa ito sa bansa.

Samantala, patuloy na nakaaapekto ang mahinang southwest monsoon o habagat sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon.

Inaasahan ang partly cloudy hanggang cloudy skies na may isolated rain showers o thunderstorms sa Palawan, Occidental Mindoro at Oriental Mindoro dahil sa habagat, habang localized thunderstorms naman ang maaaring magdala ng pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Nagbabala ang PAGASA sa posibilidad ng flash floods o landslides sa mga lugar na makararanas ng matinding thunderstorm. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here