Home NATIONWIDE SC: Anti-dynasty ban, pwedeng palawaking ‘gang 4th degree

SC: Anti-dynasty ban, pwedeng palawaking ‘gang 4th degree

1
0
Supreme Court

MANILA, Philippines — May batayan para saklawin hanggang fourth civil degree of consanguinity o affinity ang pagbabawal sa political dynasties, ayon sa desisyon ng Supreme Court na nag-utos sa Kongreso na tuparin ang constitutional duty nitong magpasa ng anti-political dynasty law.

Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Ramon Paul Hernando, sinabi ng Korte Suprema na maaaring isaalang-alang ng Kongreso ang pagbabawal hanggang fourth civil degree sa pagbuo ng enabling law, bagaman nilinaw ng Korte na nasa lehislatura pa rin ang kapangyarihang tukuyin ang eksaktong depinisyon at saklaw ng political dynasty.

Binanggit ng ponencia na may mga umiiral nang batas at probisyon sa Konstitusyon na gumagamit ng fourth-degree standard sa mga usapin ng ugnayang pampamilya sa gobyerno.

Nauna nang idineklara ng SC na may mandatory constitutional duty ang Kongreso na magpatupad ng Article II, Section 26 ng 1987 Constitution, na nag-aatas sa Estado na ipagbawal ang political dynasties “as may be defined by law.” Ayon sa Korte, ang halos apat na dekadang kabiguang makapagpasa ng enabling law ay maituturing na grave abuse of discretion.

Samantala, hanggang second civil degree lamang ang saklaw ng House Bill No. 8389 na inaprubahan ng Kamara sa third and final reading noong Hunyo 3 at ipinadala sa Senado noong Hunyo 8.

Nakabinbin naman sa second reading ang Senate Bill No. 1901 o proposed Anti-Political Dynasty Act.

Hindi nagtakda ang Supreme Court ng deadline sa Kongreso ngunit inatasan itong kumilos “with utmost urgency” upang maipasa ang kinakailangang batas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here