Home NATIONWIDE 3 websites na nagpo-promote ng karahasan, ipina-block ng PNP

3 websites na nagpo-promote ng karahasan, ipina-block ng PNP

146
0

MANILA, Philippines — Dalawa hanggang tatlong website na umano’y nagpo-promote ng aktuwal na karahasan at online grooming ang na-block na sa Pilipinas kasunod ng mga banta at insidente ng karahasan na may kaugnayan sa mga paaralan, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Allen Rae Co na nakipag-ugnayan ang pulisya sa National Telecommunications Commission (NTC) at internet service providers para maharang ang access sa naturang mga website.

“We have already coordinated with the NTC for the blocking of certain websites espousing real world violence. And the response was positive, meron na pong mga blinock na ibang websites,” ani Co sa press briefing nitong Lunes.

“As far as we know ay nasa mga dalawa o tatlo,” dagdag niya.

Tumanggi naman ang PNP na pangalanan ang mga website upang hindi na umano makatawag pa ng karagdagang interes o atensyon sa mga ito.

Patuloy aniya ang koordinasyon ng mga awtoridad habang tinutukoy pa ang iba pang website na maaaring naglalaman ng kaparehong uri ng content. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here