ILOCOS NORTE, Philippines – Bumagsak sa kulungan ang isang 46-anyos na lalaki matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Pinili ng lalawigang ito nitong Lunes, Setyembre 21.
Ayon sa Pinili MPS, ang suspek ay isang dating barangay kagawad, residente ng naturang bayan, itinuturing bilang HVI, regional target list sa ilalim ng COPLAN RAM.
Bandang alas 10:01 ng umaga nang isagawa ng mga awtoridad ang buy-bust operation.
Ang operating team ay binubuo ng mga personnel ng Pinili MPS (lead unit), PPDEU, RID, PRO1 at PIU-INPPO sa pakikipag-ugnayan sa PDEA RO1.
Sa naturang buy-bust operation ay nakarekober ang mga awtoridad ng apat na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Ang narekober na hinihinalang shabu ay tumitimbang ng 1.9 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P12,920.
Bukod sa hinihinalang shabu ay may mga nakumpiska rin ang mga awtoridad na mga itinuturing nilang non-drug evidence.
Ginawa ang inventory at markings sa mga nakumpiskang ebidensya sa mismong lugar kung saan nangyari ang buy-bust operation, sa presensiya ng suspek at mandatory witnesses. Rolando S. Gamoso