BATAAN, Philippines – Alinsunod sa Whole-of-Nation approach na ipinatutupad ng mga awtoridad. Sa layong muling mamuhay ng normal na kasama ang mga mahal sa buhay sa komunidad, boluntaryong sumurender ang isang dating miyembro ng rebeldeng grupo sa Pilar, Bataan.
Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez, ang sumurender na indibidwal ay dating aktibong kasapi ng mga Partido Komunista ng Pilipinas sa ilalim ng Lino Blas Command, Bagong Hukbong Bayan, New People’s Army (NPA) at Anna Bayani Command.
Kasamang isinuko nito ang isang kalibre 38 na baril at dalawang bala, isang piraso ng unexploded Ordinance with detonating cord and e-match, bilang bahagi ng kanyang tuluyang pag-alis ng suporta sa dating mga kinaaanibang rebeldeng grupo.
Ang dating rebelde ay boluntaryong sumurender sa pinagsanib na puwersa ng PNP, NICA at Philippine Army.
Nakatanggap ng tulong sa mga awtoridad ang dating rebelde bilang suporta sa pagbabalik loob nito sa Pamahalaan. (ROEL TARAYAO)