Home METRO Durugistang ilaw ng tahanan timbog sa P17K ‘shabu’ sa Bulacan buy-bust ops

Durugistang ilaw ng tahanan timbog sa P17K ‘shabu’ sa Bulacan buy-bust ops

1
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang isang ginang nang mahulihan ng P17,408 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod ng Malolos.

Sa ulat ng Malolos police station nitong Setyembre 18, kinilala ang suspek na si alyas “Cherry”, 43, may-asawa at residente ng Brgy. Bangkal.

Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon ng istasyon bandang 8:50 ng gabi sa nasabing lungsod.

Nabatid na nasamsam mula sa suspek ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang timbang na 2.56 gramo at may halagang P17,408.

Dinala ang naarestong suspek at nakuhang ebidensiya sa istasyon para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon ng kanyang kaso alinsunod sa umiiral na proseso.

Patuloy na pinagigting ng istasyon ang kampanya laban sa iligal na droga sa pamamagitan ng intelligence-driven operations, community coordinations at mahigpit na pagpapatupad ng batas para mapanatili ang kaayusan sa nasabing lungsod. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here