Home METRO Yaya arestado sa pagnanakaw ng P317K cash, alahas sa Cavite

Yaya arestado sa pagnanakaw ng P317K cash, alahas sa Cavite

1
0

CAVITE, Philippines – Arestado ang 18-anyos na kasambahay na si alyas Leah, tubong Samar, matapos umanong tumangay ng cash at mga alahas na nagkakahalaga ng P317,000 sa bahay ng kanyang amo sa Banaba Cerca, Indang, Cavite.

Batay sa CCTV footage sa Mojica Residence, Purok 4, Brgy. Banaba, makikitang may kausap sa cellphone ang suspek bago pumasok sa kuwarto ng amo. Kinuha nito ang susi, binuksan ang drawer ng cabinet at kinuha ang pera at mga alahas.

Naiwan umano sa bahay ang suspek at ang 82-anyos na ina ng may-ari. Bandang alas-2:45 ng hapon, iniabot umano ni Leah sa isang lalaking nakamotorsiklo ang paper bag na naglalaman ng pera at mga alahas.

Napag-alaman ding may isa pang paper bag na may laman ding cash at alahas na itinago sa ibang bahagi ng bahay.

Matapos mapanood ng may-ari ang CCTV, agad itong nakipag-ugnayan sa barangay na nagresulta sa pagkakaaresto kay Leah. Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang motorcycle rider na umano’y kasabwat nito. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here