Home NATIONWIDE Visayas power supply kapos; 2 planta patuloy na nire-restore — DOE

Visayas power supply kapos; 2 planta patuloy na nire-restore — DOE

4
0

MANILA, Philippines – Nananatiling kapos ang suplay ng kuryente sa Visayas habang dalawang malalaking generating unit sa Cebu at Iloilo ang patuloy na sumasailalim sa restoration, ayon sa Department of Energy (DOE).

Sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na kabilang sa kasalukuyang inaayos ang Therma Visayas Inc. (TVI) Unit 1 sa Toledo City, Cebu at Panay Energy Development Corp. (PEDC) Unit 3 sa La Paz, Iloilo City.

Nauna nang naibalik sa operasyon ang TVI Unit 1 ngunit muli itong nagkaproblema. Sinabi naman ni Energy Undersecretary Mario Marasigan na posibleng may heating issue ang planta at isinailalim ito sa “cold reboot” upang matukoy ang sanhi ng malfunction.

Ang PEDC Unit 3 naman ay inaasahang manatiling nasa restoration habang hinihintay ang ilang piyesang kailangang kunin mula sa ibang bansa.

Matagal nang nakararanas ng manipis na reserve ang Visayas Grid dahil sa sabay-sabay na outage ng ilang generating facilities, dahilan upang paulit-ulit itong isailalim sa yellow at red alerts nitong mga nakalipas na buwan.

Bilang pansamantalang suporta, itinutulak ng DOE ang pag-deploy ng 253 megawatts na battery energy storage capacity sa iba’t ibang bahagi ng Visayas upang makatulong kapag biglang nawawala ang supply mula sa isang planta.

Ayon kay Garin, hinahabol pa ng bansa ang kakulangan sa naidagdag na generating capacity sa mga nakaraang taon at kailangan ng sapat na reserve upang maiwasang lumala ang epekto kapag may planta na biglang nag-offline. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here