Home NATIONWIDE Karamihan sa complainants sa missing sabungeros cases ‘di na nakikipag-ugnayan — prosecutor

Karamihan sa complainants sa missing sabungeros cases ‘di na nakikipag-ugnayan — prosecutor

4
0

MANILA, Philippines – Karamihan sa mga complainant sa mga kaso ng nawawalang sabungero ay hindi na nakikipag-ugnayan sa mga prosecutor, ayon kay Prosecutor General Richard Fadullon.

Sinabi ni Fadullon na hindi na umano sinasagot ng ilan sa mga complainant ang mga tawag ng prosecution at wala ring ibinigay na dahilan sa kanilang pagkawala ng komunikasyon.

Bilang halimbawa, sinabi niyang sa kaso ng tatlong nawawalang sabungero sa Sta. Cruz, Laguna, dalawa sa mga complainant ang hindi na tumutugon. Hindi na rin umano nakikipag-ugnayan ang ilang complainant sa mga kasong may kaugnayan sa San Pablo City at Lipa, Batangas.

Hinala ni Fadullon na maaaring may napagkasunduan na ang ilan sa kanila, ngunit wala siyang inilatag na detalye o ebidensiya upang kumpirmahin ito.

Mahalaga ang partisipasyon ng mga complainant partikular sa civil aspect ng mga kaso, habang maaari namang magpatuloy ang criminal proceedings sa pamamagitan ng pagpresenta ng mga testigo at iba pang ebidensiya.

Nauna nang naiulat na iisang complainant na lamang ang regular na dumadalo sa isang pagdinig kaugnay ng mga nawawalang sabungero matapos mawalan umano ng komunikasyon sa ibang pamilya ng mga biktima. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here