Home METRO Cancer treatment facility itatayo sa Pangasinan hospital

Cancer treatment facility itatayo sa Pangasinan hospital

1
0

PANGASINAN, Philippines – Magtatayo ang Department of Health (DOH) ng Cancer Treatment Facility sa Conrado F. Estrella Regional Medical and Trauma Center sa Rosales, Pangasinan bilang bahagi ng pagpapalawak ng serbisyo ng ospital.

Ayon sa DOH-Ilocos Region, ilalagay ang cancer facility at multi-specialty outpatient department sa planong pitong palapag na bagong gusali ng medical center. Kasama rin sa proyekto ang pagtaas ng authorized bed capacity ng ospital.

Itatayo ang gusali sa 3,807-square-meter na lupang idinonate ng pamilya Estrella sa DOH. Nakaprograma ang proyekto sa ilalim ng Multi-Year Contractual Authority para sa fiscal years 2027 hanggang 2029.

Sinabi ni DOH Acting Secretary Edwin Mercado na layunin ng pagpapalawak na gawing mas accessible sa mga residente ng Pangasinan at kalapit na lugar ang advanced trauma care, diagnostic services at iba pang critical medical interventions.

Itinatag ang Conrado F. Estrella Regional Medical and Trauma Center sa ilalim ng Republic Act No. 11558 bilang 100-bed Level II general hospital na nasa direktang pangangasiwa ng DOH.

Ayon sa DOH, inaasahang mababawasan sa pamamagitan ng pagpapalawak ng ospital ang pangangailangan ng mga pasyente na bumiyahe nang malayo para makakuha ng specialized healthcare services. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here