Home NATIONWIDE Ama ni Lakam Chiu, dumalaw; piyansang P5.6-M, pahirapan

Ama ni Lakam Chiu, dumalaw; piyansang P5.6-M, pahirapan

2
0

MANILA, Philippines — Hindi pa umano kayang makalikom ng pamilya ni Lakambini “Lakam” Chiu ng halagang kailangan para sa kanyang piyansa habang nananatili siyang nakakulong kaugnay ng 124 counts ng qualified theft.

Sa panayam ng isang ulat nitong Miyerkules, sinabi ng ama nitong si William Chiu Jr. na may mga boluntaryong tumutulong sa pamilya upang makalikom ng pondo para sa piyansa.

Naunang ibinaba ng Quezon City court sa P5.6 milyon mula sa P5.8 milyon ang bail matapos bahagyang pagbigyan ang mosyon ng kampo ni Chiu na bawasan ito.

Ayon naman sa abogado ni Lakam na si Dominic Solis, naghahain ang kanilang kampo ng mga kinakailangang dokumento para makakuha ng surety bond, kung saan isang bonding company ang maggagarantiya sa itinakdang piyansa kapalit ng premium.

Inaresto si Lakam noong Linggo sa Mandaluyong City sa bisa ng warrant mula sa Quezon City Regional Trial Court kaugnay ng 124 counts ng qualified theft. Kinumpirma rin ng Quezon City Police District na itinuring siyang No. 6 most wanted person ng Kamuning Police Station.

Nag-ugat ang kaso sa alegasyon ng nawawalang humigit-kumulang P44.4 milyon na corporate funds ng kumpanyang House of LittleBunny Philippines Inc., kung saan shareholder si Kim Chiu. Ang mga alegasyon ay bahagi ng kasong nakabinbin sa korte at hindi pa katumbas ng hatol laban kay Lakam. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here