Home NATIONWIDE COA, sinita kulang na dokumento sa halos P168-M relief ops ng OVP

COA, sinita kulang na dokumento sa halos P168-M relief ops ng OVP

1
0

MANILA, Philippines — Binandera ng Commission on Audit (COA) ang mga kakulangan sa dokumentasyon at kontrol sa relief operations ng Office of the Vice President (OVP) noong 2025 na kinasasangkutan ng halos P168 milyong halaga ng welfare goods.

Batay sa consolidated audit report ng COA sa 2025 Disaster Risk Reduction and Management Fund, kabilang sa mga nakita ng state auditors ang hindi pagkakatugma ng situational reports ng OVP at mga ahensya o local government units, paglihis sa aprubadong mission orders, “open-ended” mission orders, at kulang o nawawalang beneficiary at distribution records.

Umabot sa P19.67 milyon ang welfare goods na sakop ng mga relief operation na may discrepancy sa bilang ng mga apektadong pamilya sa situational reports. Ayon sa audit report, iniugnay ng OVP management ang mga pagbabago sa evolving disaster conditions at subsequent validation, ngunit hindi umano palaging may kalakip na supporting documents ang mga rebisyon.

Nakitaan din ng COA ang 24 relief operations na nagkakahalaga ng mahigit P39 milyon na lumihis sa aprubadong mission orders nang walang documented approval. Kabilang dito ang pagbabago sa schedule, distribution sites, dami ng relief items at bigas na ipinamahagi. Sinabi ng OVP management na dulot ito ng operational adjustments dahil sa nagbabagong kondisyon sa mga lugar na tinutulungan.

Bukod dito, walong mission orders na sumasaklaw sa mahigit P84.1 milyong relief distributions ang hindi umano nagtakda ng partikular na target beneficiaries. Ipinaliwanag ng OVP na nagbibigay ito ng operational flexibility sa panahon ng emergency, ngunit sinabi ng COA na pinahina nito ang batayan sa pagtukoy sa dami ng relief goods na kinakailangan at ipinamahagi.

Natukoy rin ang kulang na pre-operation documents sa relief operations para sa 33,980 beneficiaries na may P25.27 milyong halaga ng welfare goods. Kabilang sa mga binanggit ng auditors ang kulang o hindi beripikadong master lists, duplicate entries, unsigned relief distribution sheets at incomplete beneficiary information.

Inirekomenda ng COA sa OVP na higpitan ang review procedures at tiyaking kumpleto, pare-pareho at beripikado ang mga dokumento, beneficiary records at anumang pagbabago sa relief operations. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here