Home METRO Kapitan ng barangay, binaril patay sa Negros Oriental

Kapitan ng barangay, binaril patay sa Negros Oriental

1
0

NEGROS ORIENTAL — Patay ang isang barangay captain matapos pagbabarilin habang pauwi sakay ng motorsiklo sa Barangay Kansumandig, La Libertad, Negros Oriental nitong Miyerkules, Setyembre 23.

Ayon sa Police Regional Office-Negros Island Region (PRO-NIR), nangyari ang pamamaril bandang alas-5:20 ng umaga sa Sitio Mabilog habang pauwi ang opisyal mula Barangay Pacuan.

Nakarinig umano ng sunod-sunod na putok ang mga residente bago natagpuan ang biktima na nakahandusay sa kalsada. Nakatakas naman ang salarin o mga salarin bago dumating ang mga awtoridad.

Narekober ng mga imbestigador sa lugar ang tatlong basyo at apat na slug ng kalibre .45 na baril, gayundin ang isang cellular phone.

Iniutos ni PRO-NIR director Police Brig. Gen. Rudecindo Reales ang pagbuo ng Special Investigation Task Group upang tutukan ang kaso at matukoy ang nasa likod ng pamamaril.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga suspek. Nangalap din ang mga awtoridad ng posibleng CCTV footage at impormasyon mula sa mga saksi na maaaring makatulong sa imbestigasyon. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here