Manila, Philippines – Heart Evangelista was bitten by her pet cat again.
Uh-oh, parang hindi na natuto ang global fashion icon mula sa dating karanasan.
Ang siste, gawing-gawi daw talaga ni Heart na makipaglandian sa kanyang mga pet animals.
Ending–hayun, nakagat siya ng kanyang pet cat–dahilan para isugod siya sa emergency room ng isang ospital noong isang gabi.
Ibinahagi ito ni Heart sa kanyang
Instagram story.
When she got home daw from Fashion Week Asia ay napagtripang laru-laruin ni Heart ang kanyang pusa.
Na-excite daw nang bonggang-bongga ang alaga at kinagat siya.
At the ER where she was brought ay ininiksyunan siya ng anti-rabies.
Fyi, mas matindi pa daw kasi ang dalang rabies ng pusa kesa sa aso.
Naging maayos agad ang kundisyon ni Heart dahil nai-upload na nito ang pictorial nila ni John Prats for their untitled movie of which he’s the director.
Harinawang matuto na si Heart para maiwasan ang posibleng animal bites in the future.