Home METRO 15-anyos, bebot pinaulanan ng bala sa Caloocan

15-anyos, bebot pinaulanan ng bala sa Caloocan

4
0

CALOOCAN CITY — Patay ang isang 41-anyos na babae at 15-anyos na binatilyo matapos pagbabarilin habang naghihintay umano ng masasakyan sa Quirino Highway, Barangay 181, Caloocan City nitong Lunes ng gabi, Setyembre 21.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, naghihintay umano ng jeep patungong Malaria Road ang dalawang biktima nang lapitan sila ng isang armadong lalaki at pagbabarilin.

Kapwa nagtamo ng mga tama ng bala ang mga biktima at idineklarang dead on the spot.

Ayon kay Romeo Indelible, deputy barangay public safety officer ng Barangay 181 Annex, residente ng lugar ang babaeng biktima habang inaalam pa kung taga-saan ang menor de edad at kung ano ang relasyon ng dalawa.

Patuloy ang imbestigasyon ng Caloocan City Police Station upang matukoy ang motibo sa pamamaril at pagkakakilanlan ng salarin.

Tumanggi muna ang pamilya ng mga biktima na magbigay ng pahayag kaugnay ng insidente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here