Home METRO Pamilya ng babaeng natagpuang patay sa ref, nag-alok ng pabuya

Pamilya ng babaeng natagpuang patay sa ref, nag-alok ng pabuya

1
0

RIZAL — Nag-alok ng pabuya ang pamilya ng 30-anyos na negosyanteng si Janaine Gregorio para sa impormasyong makatutulong upang matunton ang lalaking huling nakasama nito bago siya natagpuang patay sa loob ng refrigerator sa Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal.

Ayon sa ulat, itinuturing ng pulisya na suspek ang naturang lalaki habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Gregorio, na natagpuan noong Setyembre 16.

Isa sa mga tinitingnang posibleng motibo ng mga awtoridad ang pagnanakaw.

Sinabi ng pamilya na may dalang pera at mahahalagang gamit si Gregorio nang lumipat siya sa isang apartment sa Rodriguez noong Setyembre 9 kasama ang lalaki.

Nanawagan ang ama ng biktima sa huling nakasama ng kanyang anak na lumutang at makipagtulungan sa mga awtoridad.

Nakatakdang ilibing si Gregorio sa Biyernes habang patuloy na nananawagan ang pulisya sa publiko na magbigay ng anumang impormasyong maaaring makatulong sa imbestigasyon at paghahanap sa suspek. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here