Home METRO 80-anyos na traffic enforcer, sinaktan ng asawa ng konsehal

80-anyos na traffic enforcer, sinaktan ng asawa ng konsehal

3
0

ILAGAN CITY, Isabela – Isang 80-anyos na traffic enforcer ang sinaktan ‘di umano ng asawa ng city councilor matapos nitong sitahin dahil sa paglabag sa batas-trapiko sa Brgy. San Vicente, Ilagan City, Isabela.

Ang biktima ay kinilalang si Bernardino Baldoz, 80-anyos na dating Barangay Chairman na ngayon ay aktibong traffic enforcer habang ang suspek ay si Policarpio Gaoiran na asawa ni City Councilor Perlita Gaoiran ng nasabing lungsod.

Ayon sa report ng mga awtoridad, nagparke umano sa “no parking zone,” ang suspek na sinuway ng biktima na ikinagalit nito.

Imbes na sumunod sa pakiusap ng matandang enforcer ay pinagmumura umano ng asawa ng konsehal ang biktima at pinalo pa sa puwitan.

Pagkatapos ng insidente ay nakaramdam ng hilo ang enforcer na nagpacheck-up at kumuha ng kaniyang medical clearance.

Posibleng maharap sa direct assault at disobedience to an agent of authority ang asawa ng konsehal. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here