Home NATIONWIDE MANIBELA magkakasa ng 3-araw na tigil-pasada sa Sept. 28-30

MANIBELA magkakasa ng 3-araw na tigil-pasada sa Sept. 28-30

3
0

MANILA, Philippines — Magsasagawa ang transport group na MANIBELA ng tatlong araw na nationwide transport strike mula Setyembre 28 hanggang 30 bilang protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay MANIBELA chairman Mar Valbuena, patuloy na kinakain ng mataas na presyo ng diesel ang kita ng mga tsuper at operator, dahilan upang manawagan ang grupo ng agarang aksyon mula sa gobyerno.

Kabilang sa kanilang mga panawagan ang pagbaba ng presyo ng krudo, dagdag-pasahe para sa mga tsuper at operator, at pagtanggal ng excise tax at value-added tax sa mga produktong petrolyo.

Kasabay nito, nakatakda ring magsagawa ang transport group na PISTON ng hiwalay na nationwide strike sa Setyembre 29 at 30 dahil din sa mataas na presyo ng langis.

Maaaring maapektuhan ang ilang ruta ng pampublikong transportasyon sa panahon ng protesta kaya pinapayuhan ang mga commuter na bantayan ang mga abiso mula sa mga lokal na pamahalaan at transport authorities. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here