Home NATIONWIDE Posibleng pagbagsak ng rocket debris ng China, ibinabala

Posibleng pagbagsak ng rocket debris ng China, ibinabala

3
0

MANILA, Philippines – Pinayuhan ng Philippine Space Agency (PhilSA) ang mga residente sa coastal communities na agad ireport sa lokal na awtoridad ang anumang hinihinalang debris matapos makumpirma ang paglulunsad ng China ng Long March 8A rocket nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa PhilSA, inilunsad ang rocket mula sa Hainan International Commercial Launch Center sa Wenchang, Hainan, bandang alas-9:33 ng gabi, Philippine time.

Posibleng bumagsak ang mga debris sa ilang itinalagang drop zone na malapit sa Patag Island, Bajo de Masinloc, El Nido, Busuanga, Puerto Princesa, Tubbataha Reefs Natural Park, Pangutaran sa Sulu at Hadji Muhtamad sa Basilan.

Sinabi ng PhilSA na ang impormasyon tungkol sa drop zones ay inilabas sa pamamagitan ng Notice to Airmen (NOTAM), habang naglabas din ang ahensya ng pre-launch report sa mga kaukulang government agencies.

Nagbabala ang PhilSA sa publiko na huwag hawakan o pulutin ang anumang rocket debris dahil maaari itong maglaman ng mga nakalalasong sangkap gaya ng rocket fuel.

“PhilSA reiterates its advice for the public to inform local authorities if suspected debris is sighted,” ayon sa ahensya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here