Home NATIONWIDE DMW: Walang Pinoy seafarer na nasaktan sa barkong bumangga sa Chinese fishing...

DMW: Walang Pinoy seafarer na nasaktan sa barkong bumangga sa Chinese fishing vessel sa Singapore

4
0

MANILA, Philippines – Umabot sa 40 Pilipinong seafarers ang sakay ng Panama-flagged bulk carrier na First Margaux nang bumangga ito sa isang Chinese fishing vessel sa Singapore Strait noong Setyembre 17.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Cacdac, walang naiulat na nasaktan sa 40 Filipino seafarers. Kinumpirma rin ng DMW na natukoy na nila ang lahat ng seafarers ayon sa pangalan.

“There have been no reports of any injury of the 40 Filipino seafarers on board,” ani Cacdac.

Kinokolekta pa ng DMW ang impormasyon tungkol sa licensed manning agency ng mga seafarers. Hindi pa malinaw kung may mga Pilipino rin sa Chinese fishing vessel.

Iniimbestigahan na ng Singapore authorities ang insidente.

Sinabi ng DMW na patuloy nitong pinapalakas ang proteksyon para sa mga Filipino seafarers, na tinatayang isa sa bawat limang seafarers sa buong mundo ay Pilipino.

Nagbibigay rin ang gobyerno ng libreng repatriation, lalo na para sa mga seafarer na nasa high-risk areas gaya ng Strait of Hormuz at Northern Black Sea. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here