Home HOME BANNER STORY Queenie posibleng umabot sa typhoon category sa Linggo

Queenie posibleng umabot sa typhoon category sa Linggo

1
0

MANILA, Philippines – Posibleng umabot sa typhoon category pagsapit ng Linggo ang Tropical Storm Queenie, ayon sa PAGASA.

Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) si Queenie nitong Huwebes at taglay ang lakas ng hanging 75 kph malapit sa gitna at bugso na hanggang 90 kph.

Huling namataan ang bagyo 1,310 kilometro silangan ng Northern Luzon at kumikilos pakanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 35 kph.

Dahil dito, makararanas ng malalakas hanggang gale-force na bugso ng hangin ang Batanes, Babuyan Islands at Ilocos Norte.

Inaasahan din na tuluyang lalabas ng PAR ang bagyong Queenie sa Martes.

Pinag-iingat din ng PAGASA ang mga marino at sakay ng motor banca dahil sa bahagya hanggang katamtamang pag-alon sa baybayin ng Northern Luzon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here