Home ENTERTAINMENT Richard Reynoso, nagka-thyroid cancer na, nagka-Covid pa!

Richard Reynoso, nagka-thyroid cancer na, nagka-Covid pa!

1
0

Manila, Philippines – Dumaan pala sa matinding health struggles ang isa sa mga miyembro

ng OPM Hitmen na si Richard Reynoso.

Dinapuan siya ng thyroid cancer for which he had to undergo thyroidectomy noong 2019.

Noong 2021 naman, walong araw si Richard sa ICU dahil nagka- Covid-19 siya.

How’s his singing voice?

“I hope it holds up. By God’s grace, I hope,” aniya.

Hindi maaaring sumablay ang boses ni Richard lalo’t nasa gitna siya ng paghahanda para sa kanyang show marking his 40th year in the business.

Nabuo ang grupo nila nina Rannie Raymundo, Chad Borja at Renz Verano–collectively known as OPM Hitmen.

Pagmamalaki nga ni Richard: “It’s a feel-good show.”

Paano na ang kanyang health scare?

Malaki daw ang tiwala ni Richard sa mga kasama niya: “By God’s grace, I’m sure okey ako.”

Inamin niya na ‘di biro ang pinagdaanang magkasunod na health struggles.

Sa Covid-19 pa lang, sinabihan daw siya ng doktor na kulang ang dalawang taon para maka-recover siya.

“Critical daw ako…by God’s grace, kumakanta na uli ako in less than three months!”

Ang nawala lang daw kay Richard ay ang kanyang falsetto–hindi na daw ito kasinglakas noon.

The good news is doing what he does and loves best…all over again! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here