Home HOME BANNER STORY Queenie, lalakas pa; inaasahang umabot sa typhoon category ngayong Sabado

Queenie, lalakas pa; inaasahang umabot sa typhoon category ngayong Sabado

1
0

MANILA, Philippines – Patuloy na lumalakas ang Tropical Cyclone Queenie habang kumikilos sa karagatan silangan ng Extreme Northern Luzon, ayon sa PAGASA.

Alas-10 ng gabi nitong Biyernes, nasa 645 kilometro silangan ng Basco, Batanes o 655 kilometro silangan ng Itbayat ang Queenie. Kumikilos ito pakanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Isa na itong severe tropical storm na may lakas ng hanging 95 kilometro kada oras malapit sa sentro at bugso na hanggang 115 kilometro kada oras.

Inaasahang aabot sa typhoon category si Queenie ngayong Sabado at patuloy pang lalakas habang tinatahak ang karagatan silangan ng Ryukyu Islands ng Japan.

Ayon sa PAGASA, posibleng maabot ng Queenie ang pinakamalakas nitong intensity bago ito humina pagsapit ng Lunes, Setyembre 28.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa pagitan ng Linggo ng hapon at gabi.

Wala namang Tropical Cyclone Wind Signal na nakataas sa anumang bahagi ng bansa. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here