Home OPINION SC ACTIONS SA IMPEACHMENT, SAAN PATUNGO?

SC ACTIONS SA IMPEACHMENT, SAAN PATUNGO?

1
0

MAKARAANG ibaba ng impeachment court ang bilang ng boto mula sa 16 sa 14 para maideklarang guilty si Vice President Sara Duterte sa tatlong akusasyon laban sa kanya na nakapaloob sa “tahasang paglabag sa Konstitusyon at pagtataksil sa tiwala ng mamamayan”, si Atty. Vic Rodriguez pa lamang ang nagsampa kaso laban sa desisyon.

Gayunman, inaasahang kikilos din para rito si VP Sara dahil siya ang direktang apektado.

Sentro sa kontrobersya ang Artile 11, Section 3(6) ng Konstitusyong 1987 na nagsasabing “No person shall be convicted without the concurrence of 2/3 of all the Members of the Senate” o “Wala ni sinoman ang madeklarang nagkasala nang walang pagsang-ayon ng dalawang-katlo ng lahat ng miyembro ng Senado.”

Kung kwentahin ang dalawang-katlo ng 24 senador, 16 boto ang kailangan para sa madeklarang nagkasala ang Pangalawang Pangulo, ngunit hindi sumang-ayon ang nakararami sa mga senator-judge at nagdesisyong 14 lang at nakabatay sa mga aktibong dumadalo sa paglilitis at hindi kasali ang 2 nakulong, 1 nagtatago at 1 nasa ibang bansa.

Tanong: Kung amyenda sa Konstitusyon ang ginawang pagbabago sa voting threshold o minimum na boto para sa conviction batay sa aktibo sa paglilitis na senator-judges at hindi sa lahat ng 24 miyembro ng Senado, may kapangyarhan ba ang Senate Impeachment Court (SIC) na gawin ito at hindi na daraan sa People’s Initiative, Constituent Assembly o Constitutional Convention?

Tanong pa: Kung interpretasyon o paglilinaw lang ang ginawa ng SIC dahil malabo ang probisyon ng Article Xl, Sec. 3(6), may kapangyarihan ba ang SIC na gawin ito sa kabila ng batas at doktrinang tanging ang Supreme Court lang ang may gawain nito?

Tanong pa: Wala kayang “grave abuse of discretion amounting to lack or excess of jurisdiction” o grabeng pang-aabuso sa kapangyarihan ang mga ginawa ng SIC na maging dahilan para ipawalambisa ang mga ito ng Supreme Court?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here