Home OPINION VP SARA PWEDENG TUMAKBO SA 2028 KAHIT MA-CONVICT?

VP SARA PWEDENG TUMAKBO SA 2028 KAHIT MA-CONVICT?

1
0

SINABI ni Atty. Jimmy Bondoc, na maaari pa ring tumakbo sa presidential elections sa 2028 si Vice President Sara Duterte kahit siya pa ay ma-convict.

Dahil dito, tinawag ng isang abogado si Bondoc na bobo. Bobo raw si Atty. Jimmy dahil ang conviction daw ay HINDI PWEDENG UMAPELA. Ibig sabihin ay ‘final’ agad.

Pero paano kung 14 lang ang bumoto for conviction at saka pumunta ang depensa sa Supreme Court para mapawalang-bisa ang conviction dahil kulang sa boto ayon sa Saligang Batas?

Hindi ba sinabi na ng impeachment court na hindi na 16 ang kailangan?

Pero iyon nga ang issue na iaakyat sa Supreme Court dahil sa pag-bend ng voting threshold.

A void conviction is NO CONVICTION AT ALL. Hence, the penalty imposed is also void.

Sigurado na magsasampa ang depensa ng kaso sa Korte Suprema para ipawalang-bisa ang pagbaba ng voting threshold na 16 votes. Ang tanong nga lang ay kailan?

Kung during the trial, maaaring ang participation nila sa trial ay without prejudice sa kaso nila sa Supreme Court. O di kaya hintayin ang hatol at tsaka kwestyunin ito na VOID CONVICTION.

At kung sakaling abutin na ng filing of candidacy at nag-file si VP Sara at nanalong presidente baka doon ay posibleng masabi ng Korte Suprema na “THE PEOPLE HAVE SPOKEN.”

Paano nga makatatakbo kung convicted? Paano kung payagan siya tumakbo hangga’t hindi pa nareresolba ang kaso sa Korte Suprema?

Kaya nga, kung bago ang conviction ay saka isampa ang kaso sa Korte Suprema at kinatigan ang impeachment court pagkatapos nito ay kailangan para bumalik sa 16 ay makumpleto ang 24 na senador bago ang hatol.

Kung hihintayin ang hatol at kapag convicted ay saka dalhin sa Korte Suprema at mag- file ang Pangalawang Pangulo ng COC at makita ang suporta ng tao sa kanya ay baka tama si Atty. Jimmy Bondoc na pwede pa rin tumakbo si VP Sara dahil void ang conviction.

Ano ang move ng depensa?

Habang pinagiisipan nila, baka magmotion for reconsideration muna ang kampo ni VP Sara.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here