MANILA, Philippines – Walang bettor na nakakuha ng jackpot sa Ultra Lotto 6/58 at Mega Lotto 6/45 draw noong Biyernes, Setyembre 25, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ang winning combination sa Ultra Lotto 6/58 ay 41-29-43-16-54-27 para sa jackpot na ₱330.18 milyon, ngunit walang ticket na nakakuha ng anim na tamang numero.
Sa Mega Lotto 6/45 naman, ang winning combination ay 37-33-38-14-45-32 para sa jackpot na ₱75.23 milyon. Wala ring nakakuha ng jackpot. RNT/MDS