Home NATIONWIDE VP Sara sa personal na pagharap sa impeachment trial: “Depende”

VP Sara sa personal na pagharap sa impeachment trial: “Depende”

3
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Vice President Sara Duterte nitong Biyernes, Setyembre 25, na nakadepende sa formal summons ang kanyang posibleng personal na pagharap sa impeachment proceedings.

Ayon kay Duterte, wala pa siyang natatanggap na pormal na pagpapatawag mula sa Senate impeachment court kahit nais umano ng House prosecutors na iharap siya bilang testigo.

“Well, depende, wala pa namang pagpapatawag sa akin,” ani Duterte.

Sinabi rin ng bise presidente na kinakatawan na siya ng kanyang mga abogado sa impeachment proceedings dahil legal process ito.

“Yun sabi ko nga, ang impeachment ay isang legal na process at yung pagpunta ng aking mga abogado doon ay yun yung aking appearance at participation doon sa proseso na yan,” aniya.

Ang pahayag ni Duterte ay kasunod ng desisyon ng Senate impeachment court noong Setyembre 23 na binago ang batayan sa pagtukoy sa bilang ng boto para sa conviction. Sinabi naman ng kanyang defense team na makikilahok sila sa trial ad cautelam, o nang hindi isinusuko ang karapatang magsagawa ng iba pang legal na remedyo.

Sinabi rin ni Duterte na ipinauubaya na niya sa kanyang mga abogado ang impeachment case at iba pa niyang legal na usapin.

“Okay lang naman ako, ma’am. Wala naman akong problema. Yung mga legal na problema ko tulad ng impeachment at iba’t ibang kaso, binigay ko na sa mga abogado para asikasuhin nila,” aniya.

Samantala, sinabi ni Duterte na magpapatuloy ang regular na operasyon ng Office of the Vice President sa kabila ng mga legal na usapin.

Ayon sa Senate impeachment court, magpapatuloy ang paglilitis hangga’t walang intervention mula sa Supreme Court. Sinabi rin ni Senate President Sherwin Gatchalian na magpapatuloy ang proceedings dahil wala pang inilalabas na temporary restraining order ang korte. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here