Home NATIONWIDE 68 uri ng ibon, natukoy sa mga bundok ng Nueva Vizcaya

68 uri ng ibon, natukoy sa mga bundok ng Nueva Vizcaya

1
0

NUEVA VIZCAYA, Philippines – Umabot sa 68 uri ng ibon ang naitala sa mga piling bulubunduking lugar ng Nueva Vizcaya, na nagpapakita ng mayamang biodiversity ng lalawigan.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Cagayan Valley, isinagawa ng Provincial Tourism and Culture Office at Wild Bird Photographers ang bird census sa Santa Fe, Kasibu, Dupax, Bayombong at Diadi.

Sa 68 species na naitala, 47 ang endemic o matatagpuan lamang sa Pilipinas, 17 ang resident species at apat ang migratory birds. Layunin din ng census na matukoy ang mga posibleng lugar para sa birdwatching sa lalawigan.

Kabilang sa mga endemic species na nakita ang Philippine Bush Warbler, Blue-headed Hantail, Elegant Tit at Handsome Sunbird.

Isinagawa ang census bilang paghahanda sa 2027 Grey-faced Buzzard Summit na gaganapin sa Marso. Inaasahang dadalo rito ang mga conservationist, birdwatcher at government officials para talakayin ang pangangalaga sa migratory birds at pagsusulong ng sustainable ecotourism.

Ayon sa DENR, mahalaga ang nakalap na datos sa pagpapalakas ng biodiversity conservation, habitat protection at sustainable ecotourism sa Nueva Vizcaya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here