Home NATIONWIDE Alegasyong pagtanggap ng pera mula sa tauhan ni Velasco, itinanggi ni VP...

Alegasyong pagtanggap ng pera mula sa tauhan ni Velasco, itinanggi ni VP Sara

1
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ni Vice President Sara Duterte na kilala niya si Rodulfo Gracioso Jr., ang dating pulis na sinasabing naghatid ng mga maleta ng pera sa kanya at sa ilang miyembro ng kanyang pamilya.

Ayon sa NBI, iniimbestigahan nito ang alegasyon ni Gracioso na naghatid siya ng pera kay Duterte, dating Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte, umano sa utos ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.

“I do not know Rodulfo Gracioso Jr., nor have I ever received any money from him,” ani Duterte.

Sinabi rin ng bise presidente na hinihintay ng kanyang mga abogado ang opisyal na kopya ng affidavit ni Gracioso mula sa NBI upang simulan ang paghahanda ng mga kasong isasampa laban dito.

“My lawyers are awaiting an official copy of the Gracioso affidavit from the NBI so they can begin working on the cases to be filed against him. Once we are done dismantling the lies contained in his testimony, it will end up in the trash bin—just like the one from Ramil Madriaga,” dagdag niya.

Tinawag din ni Duterte na “media stunt” ang usapin na aniya ay naglalayong buhayin ang impeachment case laban sa kanya.

Ayon naman sa NBI, sinabi ni Gracioso na mahigit P2 bilyon umano ang naihatid niyang pera kay Duterte. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here