MANILA, Philippines – Nakapulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. , araw ng Huwebes ang apat na pinoy analog astronauts na nagpartisipa sa space simulation missions at training programs sa buong mundo.
Sa courtesy call sa Palasyo ng Malakanyang, pinakinggan ng Pangulo ang mga karanasan at pananaw ni Kristine Jane Atienza, isang nutrition specialist mula Bataan; Dr. Marvic Jon Alcantara, isang medical specialist mula Cavite; Florence Pauline Basubas, isang space biologist mula Cebu; at Dr. Mark Angelo Purio, isang space engineer mula Oriental Mindoro.
Nagpahayag naman ng suporta ang Pangulo para sa kanilang ‘future endeavors’ at hinikayat ang mga ito na ibahagi ang kanilang karanasan para magbigay ng inspirasyon sa mas maraming kabataang filipino na isulong ang kanilang karera sa space science at teknolohiya.
“Congratulations. Keep it going. I am so glad that we have presence in all these space sciences. It has become so much easier now… much safer than it used to be,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Tinularan ng analog missions ang ilang kondisyon na naranasan ng mga astronauts habang nabubuhay at nagtatrabaho sa buwan. Kabilang dito ang ‘isolation, communication delays, limited resources, at iba pang physical, operational, at psychological challenges.’
Ang apat na pinoy analog astronauts ay nakibahagi sa mga misyon at training programs sa iba’t ibang bansa.
Sa katunayan, si Atienza ay nagpartisipa sa Hawaii Space Exploration Analog and Simulation (HI-SEAS) program at nakatanggap ng suborbital spaceflight certification mula sa National Aerospace Training and Research Center sa Pennsylvania.
Si Alcantara ay naging kauna-unahang filipino medical doctor na nagsilbi bilang analog astronaut at nagpartisipa sa mga misyon sa Hawaii at Australia.
Si Basubas ay nagsilbi bilang executive at medical officer para sa Monsaraz Mars Analog Mission sa Portugal, habang si Purio ay naging kauna-unahang Filipino engineer analog astronaut sa pamamagitan ng LunAres Mission M4.26 sa Poland. Nakasama rin si Purio sa development ng Philippines’ Maya-2 cube satellite.
PH’s development ng analog missions.
Sa nasabing courtesy call, inilatag ni Philippine Space Agency (PhilSA) Acting Director General Gay Jane Perez kay Pangulong Marcos ang mga plano na i-develop ang analog missions ng bansa at ihanda ang mga filipino para sa ‘future human spaceflight opportunities.’
Sinabi ni Perez na “PhilSA is tapping the experience of Filipino analog astronauts who trained abroad to help develop similar missions in the Philippines.”
Bilang bahagi ng pagsisikap, nagsagawa ang PhilSA ng Analog Habitat Waypoint (ANAHAW), isang university-based program naglalayon na i-develop ang kakayahan ng mga pinoy sa space research at mission operations.
May 11 participants ang kasalukuyang sumasailalim sa isang 24-hour analog mission mula September 25 hanggang 26 sa Batangas State University. Anim na miyembro ang pangunahing crew na nakaranas ng kunwa kondisyon ng pamumuhay at nagtatrabaho sa isang lunar habitat, at 5 miyembro ay bahagi ng mission control na mino-monitor ang misyon at nagbigay ng technical advice.
Sinabi ni Perez na plano ng PhilSA na palawigin ang programa sa pamamagitan ng ANAHAW 2.0 sa susunod na taon, na may ilang unibersidad na may pananaw na sabay-sabay na magsagawa ng analog missions.
Nagpaplano rin ng PhilSA ng two-week professional all-Filipino analog mission sa 2027, sa LunAres Research Station sa Piła, Poland, o Mars Desert Research Station sa Utah, United States.
Winika ni Perez na ang all-Filipino crew ay magbibigay ng oportunidad na pag-aralan kung paano ang mga pinoy ay sama-samang nagta-trabaho sa ilalim ng ‘isolation, confinement, at resource limitations’ na nakaraans sa panahon ng space missions.
“There will be new observations that will be made. How will Filipinos in a confined environment survive? But we think there are values that will prevail — bayanihan — and this is something that the international community can also learn from us,” ayon kay Perez.
Ang Filipino Astronaut Program, inilarawan ni Perez ang analog missions bilang “pathway to human spaceflight” ng bansa.
“PhilSA is developing a three-year astronaut program that would include a nationwide search for participants, a two-week all-Filipino analog mission, and a rigorous and competitive selection process for astronaut candidates,” ang sinabi ni Perez.
Kaugnay nito, ang Filipino scientists ay magde-develop ng science experiments na sa kalaunan ay isasagawa sa kalawakan.
Ang mga inisyatiba ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na palakasin ang kakayahan ng Pilipinas sa space science at teknolohiya. (KRIS JOSE)