Home NATIONWIDE SC: PCGG, tagapangalaga lamang ng sequestered assets

SC: PCGG, tagapangalaga lamang ng sequestered assets

3
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Supreme Court (SC) na tungkulin lamang ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na pangalagaan ang mga sequestered funds o ari-ariang hinihinalang ill-gotten wealth at hindi ito obligadong palaguin o pagkakitaan.

Ayon sa SC, tagapangalaga lamang ang PCGG at hindi may-ari o manager ng mga sequestered assets. Natutupad nito ang tungkulin kapag napapanatili at naibabalik nang buo ang mga ari-arian, kasama ang aktuwal na kinita nitong interes habang nasa ilalim ng sequestration.

“Sequestration is a police power measure intended to aid the State in the recovery and preservation of properties that were stolen to the grave prejudice of the nation and the Filipino people. It was never intended to be a commercial or investment undertaking run by the government for the benefit of those suspected to have accumulated ill-gotten wealth.”

Ito ang nakasaad sa desisyong inilabas noong Setyembre 25 sa kaso ng Palm Avenue Holding Co., Inc. at Palm Avenue Realty Development Corporation. Ibinasura ng SC ang kanilang petition at pinagtibay ang 2025 resolutions ng Sandiganbayan.

Noong 1986, isinailalim ng PCGG sa sequestration ang shares ng Benguet Corporation na nakarehistro sa Palm Companies bilang bahagi ng pagbawi ng umano’y ill-gotten wealth. Ang mga nalikom ay inilagay sa escrow at Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) account.

Umabot sa mahigit P273 milyon ang interes ng escrow funds at mahigit P4 milyon naman sa CARP funds bago mailipat sa CARP account, kung saan hindi na kumita ng interes ang pera.

Hiniling ng Palm Companies na pagbayarin ang PCGG ng 12% annual interest dahil umano sa paglilipat ng pondo sa CARP account. Una itong pinagbigyan ng Sandiganbayan sa 6% interest ngunit kalaunan ay binawi ang ruling.

Sumang-ayon ang SC na walang obligasyon ang PCGG na tiyaking kikita ng interes ang sequestered funds. Ayon dito, isinagawa ng PCGG ang tungkulin nito nang mapanatili at maibalik nang buo ang pondo. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here