Home NATIONWIDE P10.36B inilaan sa rice processing modernization

P10.36B inilaan sa rice processing modernization

3
0

MANILA, Philippines – Umabot sa P10.363 bilyon ang inilaan ng gobyerno para sa modernisasyon ng rice processing facilities habang pinapalakas ang rice procurement, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Nakalaan ang pondo sa pagtatayo ng 36 modern facilities, habang 128 warehouses ang nakatakdang i-rehabilitate. Sa mga ito, 100 na ang naayos.

Kabilang sa mga proyekto ang Dumangas Grain Facility sa Iloilo na may 10-metric ton kada oras na rice mill at mechanical dryer na kayang magproseso ng 240 metric tons kada araw.

Nakakuha rin ang DA ng ¥1.7 bilyong grant para sa NFA Cauayan Rice Processing project.

Kasama rin sa modernization program ang 150 delivery at cargo trucks, 47 administrative vehicles at pagpapalawak ng Tonner Bag System.

As of Sept. 18, tinatayang nasa 278,444 metric tons ang milled rice stock ng National Food Authority (NFA), sapat para sa halos pitong araw na national demand.

Mula Enero hanggang Setyembre 2026, nakabili ang NFA ng 92,032 MT na palay sa halagang P27 hanggang P30 kada kilo. Nakapaglabas naman ito ng kabuuang 207,648 MT ng bigas, kabilang ang 126,737 MT para sa P20 kada kilo rice program.

Samantala, nakalikom ng humigit-kumulang P1.1 bilyon ang NFA mula sa auction ng 39,597 MT na lumang stock ng bigas, na nakatulong din para magkaroon ng espasyo sa imbakan para sa bagong ani.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, maaaring bumaba ng 15% ang palay production sa ikatlong quarter ng 2026. Tinatayang 3.19 milyong MT ang produksyon mula Hulyo hanggang Setyembre, kumpara sa 3.75 milyong MT sa kaparehong panahon noong 2025. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here