Home NATIONWIDE Accountability sandata vs corrupt, kalasag ng tapat sa paglilingkod – Lacson

Accountability sandata vs corrupt, kalasag ng tapat sa paglilingkod – Lacson

3
0

MANILA, Philippines – Ang pananagutan o accountability, na nakasaad sa 1987 Constitution, ay kapwa sandata laban sa korapsyon at kalasag ng mga tapat na lingkod-bayan — at ang prinsipyong ito ay naaangkop sa mga kontrobersiya gaya ng flood control scandal, diin ni Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Sabado.

Sa kanyang talumpati sa Philippine Constitution Association na nagdiwang ng ika-65 anibersaryo nito sa Makati City, sinabi ni Lacson na ang probisyon ng Saligang Batas na “Public office is a public trust” ay isang prinsipyong hindi maaaring ikompromiso o tawaran.

“If there is one thing that continues to ring true, especially in this whole flood control mess, it is this: accountability is the enemy of corrupt public officials, but a shield of honest public servants. If your decisions are proper, let the records speak; If your actions are lawful, let the evidence establish it; if your conscience is clear, scrutiny should not frighten you. In fact, the honest public servant should be able to say: ‘Go ahead. Audit me,'” aniya.

“The person who fears accountability, however, may have a different reaction. He or she may say, ‘Why single me out?’ Someone would even cry, ‘This is political persecution and intimidation and pressure’ – which, by the way, sounds very familiar,” dagdag ng mambabatas.

Sa informal forum matapos ang kanyang talumpati, idiniin ni Lacson na ang “accountability” ay “only one word but it is the most powerful word in the Constitution.”

Sinabi ni Lacson na maraming anyo at istilo ang korapsyon sa paglipas ng iba’t ibang administrasyon, na patuloy na nagbabago, umaangkop at sinasamantala ang tiwala ng publiko.

Aniya, ipinakita ng mga iskandalo na kinasasangkutan ng pondo ng bayan sa iba’t ibang administrasyon—partikular ang walang-katulad na pork barrel scam—kung paano hindi lamang nakapagpapasama sa mga taong gahaman sa kapangyarihan ang kapangyarihan kundi nakatutukso rin maging sa mabubuting tao na isipin na maaari namang bahagyang yumuko ang mga patakaran para sa kanila.

“That is why our Constitution does not ask us simply to trust the character of those in power. It creates institutions designed to check power itself — through every crisis, shift in leadership, and changing tide,” aniya.

Nang pamunuan niya ang Senate Blue Ribbon Committee at ang imbestigasyon nito sa gulo sa mga proyekto sa flood control matapos siyang maghain ng dalawang privilege speech tungkol dito, sinabi ni Lacson na itinaguyod niya ang accountability sa pamamagitan ng isang panata na hindi maaaring tawaran: “we go where the evidence takes us.”

Bunga nito, ang mga pagdinig ng Blue Ribbon na kanyang pinamunuan ay hindi lamang naglantad ng mga maling gawain kundi naglatag din ng pundasyon para sa sunod-sunod na mga kasong kinakaharap ngayon ng mga tiwali sa loob at labas ng pamahalaan.

Ngunit sinabi ni Lacson na walang tunay na pananagutan o katarungan kung ang katapatan ay hinihingi lamang sa mga nasa mababang posisyon habang hindi pinapanagot ang mga nasa kapangyarihan.

“To my mind then and now, there can be no genuine accountability if honesty is demanded only from subordinates while those in authority excuse their own misconduct. There can be no justice if the law is enforced against the weak but negotiated with the powerful,” aniya.

“At all times, we must be careful not to allow the language of public administration to become a convenient vocabulary for avoiding responsibility. Sometimes, when we say – ‘I exercised my discretion,’ what we really mean is – ‘I did what I wanted.’ Sometimes, when we argue – ‘It was a collective decision,’ we actually mean – ‘Nobody wants to take responsibility,'” dagdag niya.

Marami rin ang nagtatangkang bigyang-katwiran ang kanilang mga ginawa gamit ang “excuse” na “I was only following orders,” aniya

‘Integrity, Accountability, Character’

Diin ni Lacson, ang integridad, pananagutan at karakter — tatlong kailangang taglayin ng mga lingkod-bayan — ay maaaring ituro sa tahanan at sa murang edad, at ibinahagi ang isang karanasan noong kanyang kabataan na nagbigay-inspirasyon sa kanya na panindigan ang mga pagpapahalagang ito, lalo na ang integridad.

Inalala niya ang kuwento ng kanyang nakatatandang kapatid na si Eli, na noong estudyante pa noong dekada 1950 ay nakapulot ng isang baryang isang sentimo, na may tunay na halaga at bigat noong panahong iyon, habang pauwi mula sa paaralan.

Pagdating niya sa bahay at sinabi ito sa kanilang ina na si Maxima, na isang tindera sa palengke, mahigpit siyang pinagsabihan nito at inutusan na hanapin kinabukasan ang may-ari ng baryang kanyang napulot.

Sa kabila nito, sinabi ni Lacson na ang pagkakaroon ng kapangyarihan at awtoridad ang tunay na sumusubok sa pagkatao ng isang tao. Para sa mga lingkod-bayan, aniya, araw-araw ay pagsubok kung karapat-dapat sila sa tiwalang ipinagkaloob sa kanila ng sambayanang Pilipino.

Inalala niya ang sarili niyang karanasan sa pagtataguyod ng pananagutan kahit nauwi ito sa hindi pagkakaunawaan sa mga nasa kapangyarihan – sa usapin ng pagpapahintulot sa jueteng noong administrasyong Estrada; sa iba’t ibang iskandalo noong administrasyong Arroyo; sa Disbursement Acceleration Program at Napoles pork barrel scam noong administrasyong Aquino; at sa Pharmally scandal noong administrasyong Duterte.

“Real accountability teaches us that one cannot be simply answerable to the person above him. Rather, it is about being responsible to your oath and ultimately, to the people… Holding someone accountable is not necessarily an act of revenge. It is an act of respect—for the law, for public institutions, and most of all, for the people who have entrusted us with authority,” aniya.

“Accountability must follow responsibility; responsibility must follow authority. If you have the authority to decide, you must have the courage to answer for that decision, no matter your political color,” dagdag niya.

Diin ni Lacson, dapat alalahanin ng mga lingkod-bayan na ang kapangyarihang hawak nila ay hindi kanila kundi hiram lamang, at ipinagkatiwala sa kanila ng mga taong kanilang pinaglilingkuran.

“It demands that every public servant be prepared to explain, defend, and, when necessary, answer for every decision made and every action taken in the exercise of public authority,” aniya.

“Corruption and those behind it will definitely find their way to exploit our trust. But as public servants, we are called to stand on the same ground – the Constitution, and our commitment to upholding it,” dagdag niya.

Binigyang-diin din ni Lacson na bagama’t maaaring magkakaiba ang pananaw ng maraming abogado na may iba’t ibang paniniwala sa pagbibigay-kahulugan sa isang legal na usapin, ang prinsipyo ng accountability ang “absolute.”

“(W)hile the many lawyers with different persuasions in this room can surely find as many different ways to interpret any legal fact, there is one principle that stands absolute – one truth we cannot compromise or negotiate. Above all legal debates, we must remain bound by the foundational principle we are sworn to uphold for our people and our nation, that is, ‘Public office is a public trust,” diin ni Lacson.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here