MANILA, Philippines — Sinimulan ng transport group na Manibela nitong Lunes, Setyembre 28, ang tatlong araw na transport strike kasabay ng pagpapatupad ng bagong taas-pasahe sa mga public utility vehicle (PUV).
Nagtipon ang mga miyembro ng Manibela, kasama ang ilang TNVS at UV Express drivers, motorcycle taxi riders at truckers sa University Avenue sa Quezon City bago nagsagawa ng caravan patungong Philcoa.








