Home HOME BANNER STORY PBBM, tinawag na ‘buwaon’ si VP Sara dahil sa patutsada nitong desperadong...

PBBM, tinawag na ‘buwaon’ si VP Sara dahil sa patutsada nitong desperadong pabagsakin siya 

4
0

MANILA, Philippines – Tinawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isang “buwaon”, o sinungaling si Vice President Sara Duterte  dahil sa naging pahayag ng huli na desperado na ang administrasyon na siya ay pabagsakin.

Ang “Buwaon” ay salitang Waray na ang ibig sabihin ay sinungaling.

Sa press briefing sa Malakanyang, hiningan ng reaksyon si Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ukol sa mariing pagtanggi ni VP Sara na kilala niya si Rodulyo Gracioso Jr., at sinabing wala siyang natanggap na pera mula rito.

Tinawag ni VP Sara na ‘media stunt’ ang affidavit ng dating pulis at sinabing isa di umano itong pagtatangka na palakasin ang impeachment case laban sa kanya.

“The desperation of the administration to bring me down, push for Charter Change, prevent the 2028 elections, and cling to power is becoming increasingly diabolical,” ani VP Sara.

Bilang buweltang tugon, tinukoy naman ni Castro ang kamakailan lamang na phone conversation ni Pangulong Marcos, sinabi ni Castro na pinasinungalingan ng Pangulo ang pahayag ni VP Sara.

“Ito po mismo ang mensahe ng Pangulo patungkol sa komento na ‘yan ng Bise Presidente. Ang sabi po niya ‘yan po ay nonsense, fake news, may hilig magsinungaling, mga buwaon,” anito.

“Paulit-ulit po kasi. Paulit-ulit. Hindi tumitigil sa paninira kay Pangulo, sa paninira sa administrasyong ito na ang tanging ginagawa lamang ay magtrabaho,” ani Castro.

“So hindi po pwedeng isabalewala nalang ang mga kasinungalingang ito na namumutawi sa isang obstructionist, sa isang destabilizer,” aniya pa rin.

Samantala, sa halip na mag-komento ay tinawanan lamang ni Pangulong Marcos ang alegasyon ni VP Sara na sinusubukan di umano ng administrasyon na pigilan ang 2028 elections. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here