Home NATIONWIDE Gobyerno, stakeholders magkatuwang para pigilan, tugunan karahasan sa eskuwelahan – PBBM

Gobyerno, stakeholders magkatuwang para pigilan, tugunan karahasan sa eskuwelahan – PBBM

2
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na magkatuwang ang gobyerno at mga stakeholders para tiyakin ang ligtas at matiwasay na school environment, sabay sabing “hndi katanggap-tanggap” ang mga nangyayaring barilan sa paaralan.

“Be assured that the government is working closely with our teachers, parents, barangay workers, and other stakeholders to make schools more secure,” ang sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa isinagawang Recognition of Programme for International Student Assessment (PISA) Participating Schools and Education Partners sa Pasay City.

“We are committed to providing our youth, our parents, and our community with the knowledge and resources to prevent and respond to school violence,” aniya pa rin.

Iniulat ng Pangulo na tumanggap ang gobyerno ng 10,000 school counselors para sa school year 2026-2027, isang hakbang para i-promote ang “safe and positive” learning environment para sa mga estudyante.

“Hindi katanggap-tanggap ‘yung mga pangyayari na nakita natin sa Tacloban, sa Zamboanga, sa South Cotabato,” anito.

“Ayaw na ayaw natin na nakikita na hindi tayo nakakasiguro, hindi tayo nakakatiyak na ang ating mga eskwelahan ay ligtas. [Gusto natin ang] mga kabataan ay nasa environment na kaya nilang mag-aral ng mabuti,” aniya pa rin.

Matatandaang bago matapos ang buwan ng Hunyo, dalawang estudyante, may edad na 14 at 15 ang sangkot sa shooting incident na nagresulta ng pagkasawi ng tatlong katao at 11 iba pang sugatan sa San Jose National High School sa Barangay San Jose, Tacloban City.

Ang Zamboanga school shooting ay nag-iwan naman ng dalawang estudyante na nasawi kabilang na ang namaril sa Ateneo de Zamboanga University.

Samantala, may tatlong estudyante naman, kabilang na ang shooter o nasawi sa shooting incident sa Banga National High School sa Banga, South Cotabato. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here