Home NATIONWIDE PBBM, patuloy isinusulong reporma, suporta sa sektor ng edukasyon

PBBM, patuloy isinusulong reporma, suporta sa sektor ng edukasyon

1
0

MANILA, Philippines – Patuloy na isinusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga reporma at suporta sa sektor ng edukasyon upang mas maraming batang Pilipino ang magkaroon ng kakayahang matuto, umunlad, at makasabay sa pandaigdigang pamantayan.

Ito ang mensaheng ipinaabot ng Pangulo sa pagkilala sa PISA participating schoolsat educational partners kaninang umaga sa Pasay City katuwang ang Department of Education sa pangunguna ni Secretary Sonny Angara.

Tumaas ang marka ng mga mag-aaral ng 20 points sa Reading, 17 points sa Science, at 16 points sa Mathematics.

Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ng Pangulo na ang pag-unlad na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng mga guro, magulang, paaralan, lokal na pamahalaan, komunidad, at iba pang partners.

Binigyang-pansin din ng Pangulo ang suporta sa mga bata bago pa man sila pumasok sa paaralan, kabilang na ang First 1,000 Days Program, child health and nutrition, early childhood care, at feeding programs.

Sinisikap din ng pamahalaan na dagdagan ang mga guro at non-teaching personnel na magkaroon ng mga oportunidad sa career advancement, at magtala ng 10,000 school counselor associates upang makatulong sa paglikha ng mas ligtas at positibong kapaligiran sa paaralan.

Sa likod nito, kinilala ng Pangulo ang pangangailangang higit pang pagbutihin at palakasin ang sektor ng edukasyon upang makahabol ang Pilipinas sa ibang bansa sa rehiyon at sa buong mundo.

At upang magawa ito, hinimok ng Pangulo ang mga magulang at guro na patuloy na linangin ang curiosity ng mga kabataan at gabayan sila sa wastong paggamit ng teknolohiya.

Ang mga mag-aaral ay hinihikayat namang maging mausisa, magtanong at tumingin sa iba’t ibang pananaw at maging bukas sa bagong kaalaman. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here