ILOCOS SUR-Nagtamo ng sugat sa ulo ang isang 17-anyos na lalaki matapos tagain ng lalaking aksidenteng nakabunggo niya sa isang lamayan sa bayan ng Narvacan ng lalawigang ito nitong gabi ng Lunes, Setyembre 28.
Ayon sa Narvacan MPS, ang biktima at ang 38-anyos na suspek ay parehong residente ng naturang bayan.
Base sa ibinigay na salaysay ng biktima at ng mga witness sa mga awtoridad, ang suspek ay dumating sa lamayan.
Habang nasa lamayan ay hindi sinasadyang nagbungguan ang biktima at ang suspek.
Ikinagalit ito ng suspek hanggang sa tagain nito sa ulo ang biktima.
Pagkatapos nito, agad na tumakas ang suspek.
Isinugod naman ang biktima sa Ilocos Sur District Hospital sa naturang bayan. Rolando S. Gamoso