Home NATIONWIDE 4 patay, 12 nawawala sa avalanche sa Nepal

4 patay, 12 nawawala sa avalanche sa Nepal

1
0

NEPAL – Apat na labi ang narekober at natukoy kasunod ng avalanche sa Himlung Himal sa Manang, Nepal habang nagpapatuloy ang paghahanap sa 12 iba pang nawawala.

Ayon sa Nepal National Mountain Guide Association (NNMGA), ang dalawang katawan ay narekober nitong Lunes habang dalawa pa ang nakuha noong Linggo.

Sinabi ni NNMGA President Tul Singh Gurung na nagpapatuloy ang search and rescue operation sa lugar na tinamaan ng avalanche.

“Four bodies have been recovered and identified. Twelve people are still missing, and the search for them is continuing,” ani Gurung.

Matatandaan na noong Linggo ng umaga ay tumama ang avalanche sa Himlung area kung saan natabunan ang mga manggagawa at guide sa lugar. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here