Home NATIONWIDE Kelot arestado sa pagbebenta ng marijuana sa mga estudyante

Kelot arestado sa pagbebenta ng marijuana sa mga estudyante

1
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang high-value drug suspect matapos makumpiskahan ng mahigit P430,000 halaga ng hinihinalang marijuana sa operasyon ng mga awtoridad sa Kidapawan City, North Cotabato.

Ayon kay Police Regional Office 12 Director Brig. Gen. Alan Manibog, nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng Kidapawan City Police Office, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at North Cotabato Police Provincial Office dakong alas-4 ng madaling araw nitong Martes.

Target ng search warrant ang suspek na kinilalang alyas “Eco,” 39, residente ng Perez Street, Barangay Poblacion. Kaugnay ito ng umano’y paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Hindi naman nanlaban ang suspek nang arestuhin.

Narekober sa isinagawang paghahalughog ang dalawang bloke at apat na self-sealing plastic pack na naglalaman ng mahigit 2,000 gramo ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops.

Tinatayang nagkakahalaga ng P432,180 ang nakumpiskang ilegal na droga.

Patuloy namang bineberipika ng pulisya ang mga ulat na umano’y namamahagi ng marijuana ang suspek sa mga estudyante sa lungsod at mga karatig-bayan.

Ayon kay Manibog, ipinakikita ng pagkakasamsam sa malaking bulto ng hinihinalang ilegal na droga ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga awtoridad upang maprotektahan ang mga komunidad laban sa ilegal na droga.

Pinuri rin niya ang mga pulis at anti-narcotics agents na nagsagawa ng operasyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here