Manila, Philippines – Patuloy na pinagpipiyestahan ng mga tsismosang kapitbahay ang tungkol sa isyu ng pagbubuntis ni Kim.
Marami kasing mga katikateta at sawsawera ang nakapansin sa diumano’y baby bump ng actress.
Samantala, tila dedma lang naman si Kim sa nasabing kontrobersya.
Ni wala rin nga itong statement na nilalabas tungkol sa alegasyon na preggy siya.
Maging ang suspect na ama ng sinasabing ‘sanggol’ sa kanyang sinapupunan na si Paulo Avelino ay nanatiling walang keber sa isyu.
Samantala, nagtataka rin ang mga tsismosang kapitbahay kung bakit tameme si Vice Ganda at ang mga kasamahan nito sa noontime show tungkol sa isyu ni Kim.
Tila maingat din daw ang mga ito na mabanggit ang kontrobersya kay Kim sa kanilang show.
Natalakay din ito sa online show ng isang kilalang showbiz journalist.
Ito naman ang hirit ng kibitzers nang mapag-usapan ito sa umpukan ng mga nagmamarisol.
“Nakapagtataka nga na tahimik si Vice at mga co-hosts niya sa Showtime tungkol sa isyu ng pagbubuntis ni Kim.”
“Knowing Vice, updated iyan hindi lang sa current events kundi sa latest chikka in town.”
“Baka naman, ayaw lang niyang makialam at gustong i-respect ang privacy ni Kim.”
“Si Meme pa na mahilig mang-okray. Pag may ganyang isyu puede rin niyang linawin mismo kay Kim para maiabswelto siya sa isyu.”
“Ni biro nga, hindi mabiro ni Vice si Kim tungkol sa isyu kaya lalong lumalala ang espekulasyon.”
“Hindi kaya, may alam si Meme tungkol sa tunay na estado ni Kim.”
“Baka naman, sumusunod lang sila sa non-disclosure agreement sa show o kaya’y bawal pag-usapan sa show.”
“Sayang, kung hindi totoo, opportunity na sana ang show para once and for all, linawin ni Kim ang preggy issue.”
“Bakit kaya wala pang statement ang management ni Kim tungkol dito, eh, kalat na kalat na ang isyu.”
Bukas naman ang pahinang ito sa panig nina Kim at Vice tungkol sa kontrobersya. Archie Liao