ZAMBOANGA SIBUGAY, Philippines – Bukas na sa lahat ng uri ng sasakyan ang bagong Guicam Bridge, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Dahil sa tulay, mababawasan sa dalawang minuto ang biyahe papunta at pabalik ng Olutanga Island at bayan ng Alicia, mula sa dating halos dalawang oras na paghihintay at biyahe dahil sa paggamit ng barge.
May maximum load limit na 25 tonelada ang tulay para matiyak ang kaligtasan ng mga motorista.
Inaasahang mapapabilis din nito ang transportasyon ng mga produkto at kalakal sa mga karatig-lugar.
Ang pagbubukas ng tulay ay bahagi ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa DPWH na pabilisin ang pagkumpleto ng mga kritikal na imprastraktura upang agad itong mapakinabangan ng publiko, lalo na sa mga lugar na nangangailangan ng mas mabilis at ligtas na biyahe. Jocelyn Tabangcura-Domenden