Home NATIONWIDE MANIBELA, nilinaw na nonpartisan matapos viral ‘BBM tayo’ ni Valbuena, kay FL...

MANIBELA, nilinaw na nonpartisan matapos viral ‘BBM tayo’ ni Valbuena, kay FL Liza

3
0

MANILA, Philippines — Nilinaw ng transport group na MANIBELA na nananatili itong nonpartisan at hindi sumusuporta o kumokontra sa sinumang personalidad batay lamang sa kanilang pangalan o political affiliation, matapos mag-viral ang palitan nina chairperson Mar Valbuena at First Lady Liza Araneta-Marcos.

“We are not pro-PBBM nor anti-PBBM. We are not pro-Duterte nor anti-Duterte,” pahayag ng grupo nitong Miyerkoles.

Ang paglilinaw ay kasunod ng viral na video ng pagkikita nina Araneta-Marcos at Valbuena sa isang government rice distribution program para sa transport workers.

Sa naturang palitan, pabirong sinabihan ng First Lady si Valbuena na huwag nang magsagawa ng transport strike. Tumugon naman si Valbuena ng, “Hindi na po. I love you. Sama-sama po tayo, BBM po kami,” habang gumagawa ng V sign.

Nauna nang inanunsyo ng MANIBELA noong Martes na sinuspinde nito ang nakatakdang pagpapatuloy ng transport strike upang makipagdayalogo sa Land Transportation Office.

Bago nito, nagsimula ang grupo ng kilos-protesta noong Setyembre 28 kaugnay ng mataas na presyo ng langis, dagdag-pasahe at panawagang alisin ang excise tax at value-added tax sa petroleum products.

Iginiit ng MANIBELA na nakabatay ang kanilang mga posisyon sa mga isyung nakaaapekto sa public transport workers at hindi sa partidong politikal.

“Hindi kulay po ang ipinaglalaban namin kundi kabuhayan, karapatan, at kapakanan ng mga Pilipino,” saad ng grupo.

Dagdag pa nito, hindi nito isinusulong ang pagpapabagsak sa gobyerno at sinusuportahan nito ang mga hakbang ng pamahalaan na nakikita nitong makabubuti sa publiko. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here