Home NATIONWIDE Drayber ng tricycle dedo sa lalaking nag-amok sa Quezon

Drayber ng tricycle dedo sa lalaking nag-amok sa Quezon

3
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang tricycle driver makaraang pagtatagain ng isang lalaking nag-amok nitong Martes, Setyembre 29 sa Barangay Villa Victoria, Gumaca, Quezon.

Ang biktimang nasawi na nagtamo ng mga taga sa iba’t ibang parte ng katawan ay kinilala sa alyas Jerwin, 44, may-asawa, driver at magsasaka at naninirahan sa MH Del Pilar ng nabanggit na lugar.

Samantalang ang suspek na mabilis na tumakas ay nakilala sa alyas Mercedito, 46, tubong Barangay Busdak, San Francisco, Quezon at pansamantalang naninirahan sa Barangay Villa, Gumaca, Quezon.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng Gumaca Municipal Police Station sa pinangyarihan ng krimen, dakong alas-4:40 ng hapon habang ang biktima na lulan ng minamaneho nitong tricycle ay bigla umano itong pinagtataga ng nag-aamok na suspek.

Napag-alaman na bago umano tinaga ng suspek ang biktima ay may nauna na umanong sakay ng tricycle ang tinangkang tagain ng suspek.

Subalit, sumablay ito kung saan ang kasunod na tricycle na minamaneho ng biktima ang napagtuunan ng pansin ng suspek at pinagtataga ang biktima na ikinasawi nito.

Patuloy ang manhunt operation ng Gumaca Municipal Police Station para sa agarang ikadarakip ng suspek.

Nagsagawa na rin ng imbestigasyon sa pinangyarihan ng insidente ang mga tauhan ng Quezon Provincial Forensic Unit. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here