MANILA, Philippines – Nilinaw ni Governor Datu Pax Ali S. Mangudadatu na walang naganap na shooting incident sa Isulan National High School sa Sultan Kudarat nitong Miyerkules ng umaga, Setyembre 30, taliwas sa naunang ulat.
Sa panibagong post, nilinaw ni Mangudadatu na batay sa kumpirmasyon ng Sultan Kudarat Provincial Police Office (SKPPO), ang malakas na tunog na iniulat sa naturang paaralan ay hindi dahil sa anumang armas.
“The reported loud sound was not caused by a firearm and was likely due to faulty electrical wiring. No ammunition was found in the area during the investigation,” aniya.
“The Bureau of Fire Protection (BFP) is conducting its assessment regarding the possible electrical wiring issue,” dagdag pa nito.
Matatandaan na umaga ng kaparehong araw ay iniulat ni Mangudadatu na walang kumpirmadong nasaktan o nasawi sa posibleng shooting incident.
“As of this time, there are 𝐍𝐎 𝐂𝐎𝐍𝐅𝐈𝐑𝐌𝐄𝐃 𝐑𝐄𝐏𝐎𝐑𝐓𝐒 of wounded or fatalities related to the alleged ‘shooting incident’ at Isulan National High School,” aniya.
Sinuspinde na ang klase sa lahat ng antas sa mga paaralan sa Isulan. RNT/JGC