Bulacan – Arestado ang binatang tricycle driver nang mahulihan umano ng P23,800 halaga ng iligal na droga sa lungsod ng Malolos nitong hapon ng Setyembre 25.
Sa ulat ng Malolos police station, kinilala ang suspek na si alyas “Tonching”, 28, residente ng Bagong Sikat, Brgy. Bungahan.
Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit bandang 4:30 ng hapon sa Brgy. Sumapang Bata.
Nakumpiska sa operasyon ang tatlong maliit na transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na tumimbang ng 3.5 gramo at nagkakahalaga ng P23,800.00.
Dahil dito, dinala ang naarestong susoek at nakumpiskang ebidensya sa istasyon para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon ng kanyang kaso.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Pagbebenta ng iligal na droga) at Section 11 (Pag-iingat ng iligal na droga) ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Dick Mirasol III